TAIWAN – Libo-libong overseas Filipino workers (OFW) na mga miyembro ng “Jesus Is Lord” (JIL) ang lalahok sa taunang Leadership Conference 2019 na gaganapin sa Taichung City, Taiwan ngayong araw, Pebrero 5.
May temang “Change Maker 2019” ang gaganaping komperensiya kung saan idaraos ang sunod-sunod na programa sa mala-wak na compound ng Aerospace Industrial Development Corporation (AIDC) sa nabanggit na lungsod.
Kabilang sa mga guest speaker na inimbitahan ay ang mag-asawang sina Rev. Joey at Pastor Ellen Crisostomo; Rev. Bobot at Sister Shirley Bernardo; Rev. Alex at Dr. Lilian Garcia; at sina Bro. Marlon at Sister Joanne Oliveros na pawang manggagawa ng JIL.
Nakatakda ring ganapin sa tatlong araw na leadership conference ang parade at dance presentation ng OFWs na nagmula sa iba’t ibang area, mga seminar, camper’s night cowboys costume ng mga OFWs, longest Boodle Fight at ang pinakahihintay na anointing ng mga OFW.
Ilang buwan ding pinaghandaan ng mga opisyal ng JIL Taiwan sa pangunguna ni Pastor Edgar T. Valdoria ang pagdaraos ng leadership conference 2019 kung saan pinagkatiwala ang malawak na compound at convention center ng AIDC na sinasabing hindi basta-basta pinahihintulutan ang sinumang grupo na magdaos ng ganitong okasyon dahil sa maselan at secretive ng nabanggit na lugar saTaiwan. MHAR BASCO
Comments are closed.