PLANONG magbukas ng leading fastfood na Jollibee ng 500 bagong tindahan, kasama sa bagong merkado ang United Kingdom, Malaysia at Indonesia bilang bahagi ng kanilang P12-billion spending plan, lahad na kanilang CEO kamakailan.
Aabot sa P7 bilyon ng total capital expenditures na nakaprograma ngayong 2018 ang gagamitin para magtayo ng mga bagong tindahan at magpaayos ng mga nakatayo na. Ang iba ay gagastusin para sa commissaries, pahayag ng kompanya.
Ang paghina ng piso kontra dolyar ay magbubuhos ng kita sa overseas business ng Jollibee, kahit na nagtaas ang gastos nila dito sa lokal na merkado, pahayag ni Jollibee CEO Ernesto Tanmationg.
“The business had shown resilience in the past and we expect it to continue to do so. We expect revenues and profit to continue to at least sustain its historical growth rates in 2018 and in the years ahead,” sabi niya.
Ang Jollibee ay may 4,239 tindahan as of May, na nakakalat sa 21 territories across 12 brands.
Comments are closed.