LEARNING RECOVERY PROG KAILANGANG REPASUHIN-ANGARA

INAMIN ni Education Secretary Sonny Angara na kailangang repasuhin ang learning recovery program ng bansa.

Sa ginanap na preas briefing kahapon sinabi ni Angara na ang interventions ay  dapat na pangunahing tumutok sa pangangailangan ng mga mag-aaral at ang gobyerno ay kailangang yakapin ang science-based data gathering.

Sinabi pa ng Kalihm na ang mga kapasidad ng mga mag-aaral ay dapat masuri bago at pagkatapos magdaos ng learning recovery camps, bilang bahagi ng National Learning Recovery Program (NLRP).

Ang mga pahayag ni Angara ay naobserbahan ni Executive Director Karol Mark Yee ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na dapat suriin ang NLRP.

Hiniling naman ni Yee ang pagbabago sa pamamagitan ng learner-centered approach.

“Iyong request namin sa DepEd is sana iyong plano natin detalyado depende sa pangangailangan ng iba’t ibang bata kasi hindi naman lahat ng bata ay ganoon iyong kailangan,”  ani Yee.

“Iyong iba kailangan mas focused, mas maraming oras.  Iyong iba refreshments lang. So sana mayroon tayong delineation in terms of the interventions,” dagdag pa ni Yee.

Samantala, isinusulong ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, ang massive reforms sa NLRP.

Sinabi ng mambabatas na ang inisyatibo ay wala pang nakukuhang magandang resulta.

EVELYN QUIROZ