NAITALA ang patuloy na pagbawas sa lebel ng tubig ng ilang mga dam sa Luzon kabilang na ang Angat dam dahil walang pag-ulan nitong mga nakalipas na Linggo.
Base sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division, kahapon ng ala-6 ng umaga ay naitala sa 206.35 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Mas mababa ito ng 8 cms kumpara sa naitalang 206.43 meters water elevation kahapon at mas mababa na higit isang metro kumpara noong nakaraang Linggo.
Sa kabila nito, nananatiling mas mataas pa rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Samantala, bumaba rin sa 99.61 meters ang imbak na tubig sa Ipo dam na mas mababa sa maintaining level na 101 meters.
Nabawasan rin ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dam. P ANTOLIN