BUMABA pa ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa below minimum operating level nitong Linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng state weather bureau na ang lebel ng tubig ng Angat Dam ay bahagyang bumaba sa 178.80 meters Linggo ng umaga mula 178.89 meters noong Sabado.
Ang Angat Dam ay nangangailangan ng 1100 millimeters ng rainfall upang umabot sa normal high water level na 210 meters.
Ang minimum operating level ng dam ay 180 meters.
Ang bansa ay nakararanas ng masamang panahon magmula noong Sabado dahil sa Tropical Storm Aghon.
Sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na kapag ang water level ng Angat Dam ay bumaba sa below 180 meters, ang water ay isasaprayoridad sa municipal use, irrigation use, at river maintenance.
Ang Angat Dam ang nagkakaloob ng 90% ng potable water sa Metro Manila, Rizal, at bahagi ng Cavite at Bulacan.
Bumaba rin ang water levels ng San Roque, Magat, at Ambuklao Dams habang ang sa La Mesa, Ipo, Pantabangan, Caliraya, at Binga dams ay tumaas.