BULACAN- NAKATULONG ang mga pag-ulang dala ng bagyong Aghon para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kahapon ng alas-8 ng umaga ay umakyat sa 179.79 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.
Nadagdagan ito ng .93 meters mula sa naitala kahapon na 178.86 meters.
Gayunpaman, mas mababa pa rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.
Samantala, bukod sa Angat dam, tumaas rin ang antas ng tubig sa Ipo dam, La Mesa dam, Binga, Pantabangan at Caliraya dam.
P ANTOLIN