LEBEL NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY NA BUMABABA

BULACAN- MULING nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kahapon ng alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 35 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 196.15 meters.

Higit dalawang metro na ang agwat mula sa 198.44 meters water elevation ng dam noong nakaraang linggo.

Gayunpaman, malayo layo ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod sa Angat dam, karamihan din ng dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon ay nagkaroon ng tapyas, kabilang dito ang Ipo dam, La Mesa dam, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dam. PANTOLIN