LEBEL NG TUBIG SA ILANG DAM TUMAAS

Angat Dam-2

KAHAPON ng umaga lamang ay bahagyang tumaas ang level ng tubig sa ilang dam sa Luzon.

Ayon sa Hydrometeorology Division, bandang alas-6 ng umaga bahagyang tumaas ng 0.27 meters ang level ng tubig sa Angat Dam mula sa 194.66.

Nadagdagan naman ang tubig Ipo Dam 0.40 meters kaya naman mula sa 99.16 meters nitong Biyernes ay nasa 99.30 meters na kahapon.

Ang level ng tubig naman sa La Mesa Dam ay nadagdagan ng ilang metro mula sa 78.73 meters kamakalawa ay nasa 78.75 meters na kahapon ng umaga.

Nadagdagan naman sa 0.36 meters ang level ng tubig sa Magat Dam na nitong Biyernes ay nasa 109.34 meter at kahapon ng umaga naman ay nasa 189.60 meters na.

Bahagya naman bumaba ang level ng tubig sa mga Dam na Ambuklao, Binga, Pantabangan, San Roque at maging sa Caliraya. BETH C