LEBRON UMAYAW SA CAVS DEAL

LEBRON JAMES

TINANGGIHAN ni NBA superstar LeBron James ang kanyang $35.6 million contract option sa Cavaliers upang maging top free agent prize.

Iniulat ng Cleveland Plain Dealer, USA Today, ESPN at ilang Cleveland television stations na susubukan ni James ang free agency, isang desisyon ilang oras bago ang midnight deadline noong Biyernes.

Ang Los Angeles Lakers, Houston ­Rockets at Philadelphia 76ers ay inaasahang ma­sugid na manliligaw kay James,  na sumabak sa nakalipas na walong NBA Finals at siyam sa kabuuan sa kanyang career.

Maaari pang pumirma ang four-time NBA Most Valuable Player sa bagong deal sa Cavaliers, ang hometown team na kanyang binigyan ng NBA crown noong 2016 upang putulin ang major sports title drought mula pa noong 1964.

Subalit ang Cavaliers ay winalis ng Golden State Warriors sa NBA Finals kamakailan at na­ging bukas si James na nais niyang maglaro sa isang koponan na makatatalo sa Warriors, nagwagi ng tatlong titulo sa apat na seasons, para sa  NBA crowns.

Iniwan ni James, 3-6 sa finals, ang Cleveland noong 2010 para sa  Miami Heat, kung saan nanalo siya ng dalawang titulo at dalawang beses na natalo sa finals bago bumalik sa Cavs noong 2014 sa pangakong gagawin niya itong kampeon.

Sa mga tagumpay na ito, sinabi ni James na matapos ang finals ngayong taon ay kokonsultahin niya ang kanyang pamilya bago magpasiya hinggil sa kanyang mga plano sa hinaharap.

“I came back because I felt like I had some unfinished business,” wika ni James matapos matalo ang Cavs sa nakaraang NBA Finals.

“To be able to be a part of a championship team two years ago with the team that we had and in the fashion that we had is something I will always remember.”

Sa desisyon ni James ay nabuo ang mainit na NBA free agency period na nagsimula noong Linggo, kung saan target ng mga koponan na makuha ang top stars tulad nina James at Paul George, na tinanggihan ang kanyang 20.7 million dollar player option sa Oklahoma City noong Huwebes.

Comments are closed.