BIHIRA tayong makakita ng Filipino, here and abroad, na hindi nagustuhan ang leche flan. Simple lang ang recipe nitong may halong itlog, gatas at caramel coating. Ewan kung bakit lahat yata ng Filipino, mahilig sa matatamis!
Kung may dinner party, o kahit anong selebrasyon o holiday, hindi kumpleto ang handaan kung walang leche flan. Hindi lang kasi dahil napakasarap nito kundi dahil napakadali ring gawin nito.
Madali lang gumawa ng leche flan kung susundin lamang ninyo ang aming instructions. Simulan ito sa pagbabati ng pula ng itlog (egg yolks) sa isang mixing bowl.
Pwedeng tinidor lang ang gamitin o kaya naman, hand mixer o stand mixer. Siguruhing smooth ang eggs. Dahan-dahang idagdag ang gatas. Simulan sa condensed milk, kasunod ang fresh milk at vanilla extract. Ipagpatuloy ang pagbati sa lahat ng ingredients hanggang magkasama-samang mabuti. Set aside muna habang inihahanda ang susunod na process.
Kunin ang mga llanera o baking pan at lagyan ng asukal. Tunawin ang asukal hanggang maging matunaw. Wag kalilimutang magsoot ng gloves para hindi kayo mapaso. Kapag tunaw na ang asukal, ikalat sa llanera. Ilagay ang mixture sa llanera at ang huling proseso ay steaming. Magpakulo ng tubig at pasingawan ang mixture sa loob ng 30 minutes o hanggang maluto.
Heto ang recipe:
6 eggs
1 can condensed milk
1 can evap milk
¼ kilo white sugar
6 llaneras
Paghiwalayin ang puti at pula ng itlog. Batihing mabuti ng magkahiwalay, at pagkatapos ay pagsamahin uli. Batihin uling mabuti, at dahan-dahang ihalo ang condensed milk. Ihalong mabuti. Isama ang evaporated milk. Haluing mabuti. Isalin sa mga caramel coated na llanera at pasingawan. Hintaying maluto. — NV