TINIYAK ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na ligtas sa banta ng African Swine Fever ang mga lechon na ibinibenta sa tinaguriang ‘Lechon Capital of the Philippines” sa La loma, Quezon City.AS
Ito ang kinumpirma ni Quezon City Veterinary Department Inspector Paul Patino.
Wala aniyang kaso ng ASF o ibang sakit na naitala sa mga baboy na dinadala sa lungsod.
Sinabi nito na nagsasagawa sila ng 24/7 inspection at sinusuri ang mga dokumento gayundin ang kalidad at amoy ng mga baboy para masigurong ligtas kainin ang mga ito.
Tiniyak din ng mga nagtitinda ng lechon na hindi apektado ng ASF ang kanilang produkto at ligtas kainin.