HINDI nawala ang angas ni Paul Lee kahit sa PBA bubble.
Muling nagpasiklab ang ‘Angas ng Tondo’ para sa Magnolia na pinalakas ang kanilang kampanya para sa posibleng Top Four finish papasok sa quarterfinals ng Philippine Cup.
Ang dating UE Red Warrior ay may average na 25.3 points, 4.5 rebounds at 3.8 assists para sa Nov. 3-8 period at itinanghal na Cignal TV-PBA Press Corps Player of the Week.
Nagwagi ang Hotshots sa lahat ng kanilang apat na laro sa naturang stretch – lima lahat mula pa sa Manila Classico – upang upang umangat sa 6-4 papasok sa final stretch ng eliminations.
Samantala, nakopo ni Meralco guard Aaron Black ang Rookie of the Week honor na may average na 5.8 points, 6.5 rebounds at 2.5 assists sa quality minutes mula sa bench kung saan naitala ng Bolts ang solid 3-1 record sa loob ng isang linggo upang makapasok All-Filipino conference playoff sa unang pagkakataon magmula noong 2015.
Sinimulan ni Lee ang linggo sa pamamagitan ng 27-point explosion sa 102-92 panalo ng Hotshots kontra dating league leader TnT Tropang Giga, 29-point performance sa 103-89 pagdispatsa sa Terrafirma, na sinundan ng 31-point outburst sa 70-62 win laban sa Rain or Shine.
Bahagya siyang nanlamig na may 14points laban sa Northport, subalit nag-ambag ng 6 boards at 8 assists.
Tinalo ng 31-year old gunner sina Phoenix’s RJ Jazul, Ginebra’s Stanley Pringle, Meralco’s Chris Newsome, at ang NLEX duo nina Kevin Alas at Jericho Cruz para sa weekly citation na ipinagkakaloob ng mga miyembro ng media na nagko-cover ng PBA beat.
Namayani naman si Black laban kina Roosevelt Adams ng Terrafirma at Aris Dionisio ng Magnolia.
Comments are closed.