MANOY Part 2: Siya ang orihinal na Manoy. Astig sa edad na 90 dahil nagtatrabaho pa. Kinatatakutan bilang kontrabida sa pelikula. Laging on time sa set. Minahal niya ang trabaho. Ngunit minahal din ba siya ng sapat para alagaan ang kaniyang kapakanan? Matapos ang aksidente sa shooting ay sinabing inatake raw kaya natumba?
“Nabalitaan ninyo na inatake raw si EG. Du’n po sa lahat ng fans niya, sa followers niya, hindi po siya inatake. Mahusay po at matibay po ang puso ni EG. Nadisgrasya po s’ya. Naaksidente po s’ya. Sumabit po ang paa niya sa kable,” ayon sa kaibigang si PS.
Dr. EL, the uncle of his longtime partner, said that test results showed no heart attack or stroke. He tripped on a cable wire of the production. Fell face down and fractured neck vertebrae C1 and C2.
ANG PANGYAYARI
Credit sa kumuha ng larawang ito. Makikita ninyo na hindi mga doktor, nurse or even paramedics ang sumaklolo sa kaniya matapos matumba at tumama ang ulo sa semento. Makikita ninyo na pilit siyang binubuhat ng patayo ang ulo. Dito agad mapupuna ng taong may sapat na kaalaman sa first aid at emergencies na bawal ang pagbuhat ng ganito sa biktimang may trauma sa leeg at ulo. Nasaan ang dapat ay kasamang medical team? Mayroon o wala?
Napabalitang hindi rin ambulansiya ang nagdala sa kaniya sa ospital. Ilang minuto kaya ang inabot bago siya nadala sa emergency room? Ano ang ginawa sa kaniya sa loob ng sasakyan? May nakapakinig ba ng tibok ng kaniyang puso? May nakapagpulso ba at pinakiramdaman kung sapat ang paghinga? May marunong ba ng CPR man lang sa kanila? Alam nating sila’y nagmalasakit, ngunit maaaring ang ginawa nilang paggalaw ng mali ay siya pang nakapinsala.
ANG PAGKAKAMALI
Malamang dahil sa taranta ay walang nakaisip nito. Na dapat ang leeg ay nilalagyan ng makapal at sapat ngunit malambot na balot to stabilize the head. Kung gagalaw ang ulo habang walang malay ang tao ay maaaring maputol ang mga ugat na nakapaloob sa buto.
A cervical fracture, commonly called a broken neck, is a catastrophic fracture of any of the 7 cervical vertebrae in the neck. Common causes in humans are traffic collisions and diving into shallow water. Abnormal movement of neck bones can cause a spinal cord injury resulting in loss of sensation, paralysis, or usually instant death. A medical crew on standby could have prevented this.
Again, meron ba?
ANG LEEG NI MANOY
Hindi basta-basta nababali ang mga buto sa leeg kung hindi dahil sa napakalakas na trauma. Ngunit sa mga nagkakaroon na ng edad ay mas madaling madurog ang mga buto dahil sa osteoporosis.
Isang co-actor niya ang nagsabing napuna nilang medyo namumutla na si Manoy bago pa ang “take”. Ngunit hindi ito ininda ng beteranong actor dahil itinuloy niya ang shoot ng eksena. Hindi kaya dahil sa sobrang init at dahil may edad na si Manoy kaya siya naputla at nanghina?
Hindi kaya dapat sana ay pinili na lang ng mga kasama sa industriya ang kaniyang mga eksena?
Nanghina at nahilo sa init, napatid sa kableng nakalawit, nabuwal, tumama ang ulo, nabali ang leeg, ginalaw ng mali, naputol ang mga ugat, kaya’t huminto sa paghinga. Dinala ng taxi driver at mga kasama sa hospital. Huli na bago nalapatan ng CPR. Bilang doktor, ito ang aking sapantaha.
WALANG KINIKILINGAN
Wala namang sinisisi ang live-in partner ni Manoy sa nangyari. Ngunit maraming ibang nagmamahal sa kaniya ang kumikiling sa pagsisisi sa naging kapabayaan. Nanghihinayang sila dahil bagama’t nasa 90 y/o na ang actor ay napakaaktibo pa. Gusto raw sana niyang magsundalo noong bata pa. Malamang ay naging full Colonel daw siya sa retirement age. Wala siyang inuurungan na laban kaya more likely magpapa-assign daw siya sa Mindanao. Ngunit dahil hindi ito natupad, mas pinapaboran niya ang gumanap sa action films – bida man o kontrabida. Sayang nga lang dahil ngayon siya ay nakaratay at tanging mga makina na lamang ang nagsusustena ng kaniyang hininga. Pawang katotohanan lamang na posibleng hindi maganda ang magiging ending ng kaniyang istorya.
PAGHAHANDA
Kailangan mag-aral ng CPR ang mga miyembro sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Dapat alam nila ang proper handling and transportation of accident victims. Dapat may sapat na kagamitang pang emergencies na dala ng isang Paramedic personnel sa bawat shooting nila.
Dapat alam nilang huwag gagalawin kung hindi sigurado at walang sapat na training.
Complete immobilization of the head and neck should be done as early as possible and before moving the patient. Immobilization should remain in place until movement of the head and neck is proven safe. In the presence of severe head trauma, cervical fracture must be presumed until ruled out. Immobilization is imperative to minimize or prevent further spinal cord injury. The only exceptions are when there is imminent danger from an external cause, such as becoming trapped in a burning building.
Minor fractures can be immobilized with a cervical collar without need for traction or surgery. A soft collar is fairly flexible and is the least limiting.
Surgery may be needed to stabilize the neck and relieve pressure on the spinal cord. A variety of surgeries are available depending on the injury. Metal plates, screws, or wires may be needed to hold vertebrae or pieces in place. The timeliness of emergency care and the type of first aid and medical treatment immediately given are especially critical to survival and subsequent quality of life following any serious neck injury. Dapat serbisyo lang!
*Quotes
“Maliban sa dasal, kung nais nating may pangmalawakang pagbabago sa working conditions ng ating mga ka-industriya, kailangang maglabas ng position papers at kaukulang aksyon tungkol dito.”
Noel F calling on the Actors Guild
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.