UMAKYAT na sa 567 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng paputok nitong Kapaskuhan hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ayon sa Department of Health (DOH). 59.52 porsiyento ng bilang ay nabiktima ng mga legal na paputok.
Nabatid na ang pinakabatang biktima ay 10-buwang gulang na sanggol sa Metro Manila na napinsala ng kwitis ang kanang mata, samantalang ang pinakamatanda naman ay 77-anyos na lalaki sa Ilocos Region na nabiktima naman ng whistle bomb.
Patuloy rin ang pagpapadala ng mga impormasyon sa DOH hinggil sa mga biktima ng mga paputok kayat hindi isinasantabi ang posibilidad na tumaas pa ang bilang.
Karamihan sa mga biktima ay sa Metro Manila, kasunod sa Ilocos Region, ikatlo sa Central Luzon at sumunod ay sa Calabarzon.
PAULA ANTOLIN