BUKAS si Senadora Grace Poe na i-legalize ang marijuana sa bansa ngunit para sa medical needs lamang.
Ayon kay Poe, posible kasing maabuso sakaling gawing legal sa bansa ang paggamit ng marijuana.
Maaring i-distribute umano ang marijuana sa mga ospital pero ang paggamit at distribution ay dapat nasa ilalim ng superbisyon ng mga doktor, para hindi umano basta-basta magagamit at maabuso.
Dapat din umanong may mga alituntunin na susundin para sa mga doktor upang hindi sila makapagbenta sa labas.
“Kung sa hospital, at least may doctor doon tapos hindi lahat basta makakakuha,” giit ni Poe.
Nauna nang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit siya ng marijuana para umano laging gising sa gitna ng hectic schedule, bagay na agad naman nitong binawi.
Dahil dito, hindi na nasorpresa ang senador sa mga joking statement ng pangulo dahil sanay na umano siya rito.
“If you have marijuana, that’s so accessible. People will just stay na lang siguro at home and then bench out,” dagdag pa ni Poe. VICKY CERVALES
Comments are closed.