LEGARDA HINIKAYAT ANG FOOD SECURITY NGAYUNG FILIPINO FOOD MONTH

HINIKAYAT  ni Antique congresswoman at senatorial candidate Loren Legarda na pausbungin ang pagkaing Pilipino sa selebrasyon ng Filipino Food Month sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na negosyong pangagrituktura, lalo na ng mga mangingisda at magsasaka, at sa paggamit ng mga kasangkapan sa tradisyunal na lutong Pilipino.

“Ipinakita ng COVID-19 pandemic kung gaano ka-vulnerable ang ating mga food supply chain, at kung paano sa isang iglap ay maaaring malagay sa alanganin ang food at nutritional safety ng milyun-milyon nating mga kababayan. Kung susuportahan natin ang ating mga magsasaka at mga mangingisda, magkakaroon tayo ng matibay na pundasyon at solusyon para sa ating problema sa food security at sustainability ng ating mga food sources,” sabi ni Legarda.

Dagdag pa ng three-term Senator: “ This will enable us to have a sustainable and resilient food system, which can also help preserve our culinary heritage.”

Ayon kay Legarda, malaking tulong kung i-lathala at i-dokumento ang mga pagkaing Pilipino ayon sa probinsya na galing ito kaya kanyang iniakda sa Kongreso ang panukalang batas na House Bill No. 10551 o ang Philippine Culinary Heritage Act.

“Kapag nagsagawa tayo ng mapping at documentation, magkakaroon tayo ng oportunidad na pag-aralan ang iba’t ibang pagkain mula sa iba’t-ibang rehiyon na naglalarawan ng kasaysayan at kultura ng partikular na rehiyon. Maraming mga putahe o recipe ang naipasa mula sa mga unang henerasyon ang ngayon ay ine-enjoy pa din ng mga Pilipino, habang ang iba naman ay ginawan ng iba’t-ibang version. Ito ang nararapat na pagyamanin sa tulong na rin ng ating magagaling na research chef at iba pang culinary professional,” sabi ni Legarda.

Sa pagdiriwang ng Filipino Food Month, sinabi ni Legarda na panahon na bigyan na ng nararapat na atensyon ang pagkain Pinoy sa buong mundo.

“Mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at kultura ang ating mga pagkain. Bukod sa isinasalaysay nito ang ating kwento bilang isang bansa, pinag-bubuklod rin nito ang ating diwa bilang mga Pilipino,” sabi ni Legarda.

“Dahil sa archipelagic nature ng ating bansa, sadyang magkakaiba ang ating mga pagkaing nakasanayan at ating mga panlasa, at ito ang dapat nating pagyamanin at ipakilala sa ibang rehiyon at ibang bansa.”