Legarda inenganyo ang Navotas, Malabon na alagaan ang yamang dagat

Pinaalalahanan ni Antique congresswoman at senatorial candidate na is Loren Legarda ang mga mamayang ng Malabon at Navotas na pangalagaan ang kalikasan sa kanilang pamumuhay dahil ito ang nagbibigay ng trabaho sa kanila bilang mga mangigisda.

Sa kanya pagbista sa dalawang lungsod, binanggit ni Legarda ang Brgy. Potrero sa Malabon, na isang halimbawa ng Barangay na zero-waste na community.

“Tayo’t biniyayaan ng mga yaman ng ating daigdig, ngunit kailangan pa rin nating maging mapag-ingat. Maraming mga pagsubok tayong pinagdaan noong panahon na pandemya at sa gitna ng nararanasang climate crisis, ngunit tingnan rin natin ito bilang pagkakataon na pausbungin ang sustainable growth para sa kabahayan natin at ng mga generasyong susunod sa atin,” sabi ni Legarda.

“Matindi ang epekto ng climate change, ng pandemya, and ng iba’t iba pang pananalanta ng pahanon sa ating mga mangingisda. Kaya naman kailangn po nating laging pag-igtingin ang pakikipag-ugnayan sa kanila sa ating gobyerno upang maprotektahan ang kanilang kabuhyan at ang food security ng ating bansa,” dagdag ng senatorial candidate.

Sa kanyang pagiikot at paghalubilo sa mga tiga Navotas at Malabon, sinabi ni Legarda na gusto niya na hikayatin ang mga mangingisda na pumasok sa mga training at livelihood na proyekto.

“Inuudyok kong magkaroon ng mga seminar or pagsasanay ukol sa pagnenegosyo para sa mga magingisda ng Navotas at Malabon, sa pamamagitan ng mga ahensya kagaya ng TESDA at Shared Service Facility ng Department of Trade and Industry (DTI-SFF), upang makabagbigay ng mga alternatibong hanapbuhay na saklaw pa rin sa pangingisda,” sabi ni Legarda.

Sa kanyang termino bilang mambabatas ng Antique, nakipagkasunduan si Legarda sa maraming organisasyon at kooperatiba upang matulungan ang mga mangigisda ng probinsya. At puwede rin daw itong gawin sa Navotas at Malabon.

“Malapit sa puso ko ang Navotas at Malabon dahil marami akong magagandang alaala noong lumaki ako sa mga fishing community dito. Dahil sa yamang-dagat nito, maraming mga barangay at sitio na umaasa sa pangingisda para sa kanilang kabuhayan. Ngunit nararanasan ng ating mga mangingisda kung gaano kagipit ang buhay, lalo na sa panahon ng pandemya at climate change. Kaya naman dapat palakasin ang mga inisyatibo para sa mga mangingisda at siguruhing may sapat na suporta upang makamit ang kanilang mga pangangailangan,” sabi ni Legarda.

“Nakita ko kung paano mas bumuti ang fishing industry sa Antique matapos kaming magbigay na nararapat na tulong sa ating mga mangingisda. Nagawa po natin sa Antique, isang probinsyang matagal na napag-iwanan at karamihan ay hindi alam ang mga programa ng pamahalaan, kaya sigurado pong kayang-kaya din nating gawin sa Navotas, sa Malabon, at sa ibang pang parte ng bansa.”