Legarda inudyok ang mga OFW na gamitin ang karapatang bumoto

Nanawagan ang Antique representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa buong mundo na gamitin ang kanilang karapatan na bumoto para sa mga bagong lider ng bansa.

Nagsimula na ang Overseas Absentee Voting noong nakaraang Abril 10, 2022. Si Legarda rin ang isa sa mga pangunahing sumulat ng Overseas Absentee Voting Law of 2003, noong unang termino niya sa senado, kaya naman nais niyang lahat ng OFW ay makaboto.

“Overseas Filipinos should take advantage of the opportunity to elect their next leaders, and to choose wisely. Hinikayat ko ang ating mga kababayan sa labas ng bansa na huwag sasayangin ang inyong boto dahil nakasalalay dito ang kalagayan at kinabukasan ninyong mga OFW, ng inyong pamilya, at ng buong bansa,” sabi ni Legarda.

Mahigit kumulang 1.7 milyong OFW ang nagparehistrong bumoto sa halalan ngayung 2022. Nanawagan rin si Legarda sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sana’y gawin nilang maayos ang proseso para sa mga OFW na nais bumoto.

“I trust that our embassies and consulates worldwide will provide adequate assistance to almost 1.7 million registered Filipino overseas to ensure that the voting process will go smoothly. Let us help our kababayan overseas as they exercise their right to take part in electing the leaders who they think will give them and their family the service and protection that they needed,” sabi niya.

Si Legarda, na madalas ay nasa tuktok ng mga survey, ay nangako ring bibigyan prayoridad ang sektor ng OFW kapag siya ay pinalad na  mahalal pabalik sa Senado.

“Bilang mga lingkod-bayan, obligasyon nating pangalagaan ang karapatan ng bawat Pilipino sa maayos na trabaho,  sapat na sweldo at benepisyo, lalong-lalo na ang mga kababayan nating nasa dayuhang bansa. We should continue to aim to provide better protection for our kababayan abroad because we do not want them to be subjected to inhumane or degrading treatment or any form of abuse,” kanyang winika.