BILANG pagkilala sa kahalagahan ng kultura at turismo sa pagbibigay kapangyarihan sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), pagpapakita ng mga lokal na produkto at pagtataguyod ng lalawigan bilang isang pangunahing destinasyon ng ecotourism, patuloy ang three-termer senator na si Loren Legarda sa pagsuporta sa kabuhayang nakabatay sa kultura at pangangalaga sa mga likas na yaman sa buong lalawigan.
Ang matagal nang adbokasiya ni Legarda ang nasa isip nang ilunsad niya ang Antique Trade and Tourism Fair sa binuhay na Old Capitol Building, isang event na ginanap sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Provincial Tourism Office, Office of ang Provincial Agriculturist, at ang Antique Hotel and Restaurants Organization.
“Antique is considerably a small province, but each of the 18 municipalities has its unique features including cultural and heritage landmarks, historical significance, natural wonders such as rich landscape and seascape. Nararapat lamang na ating mabigyan ng pagkakataon ang bawat munisipalidad na maipakilala ang kani-kanilang ganda sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. This trade and tourism fair is an opportunity for our kasimanwa to showcase the natural wealth and the potential of our home province as a premier ecotourism destination that will also provide sustainable livelihood and employment opportunities,” pahayag ni Legarda.
Upang maging isang premier ecotourism destination, sinusuportahan ng senador ang local micro enterprises tulad ng Bagtason Loom Weavers Association (BLWA) sa Bugasong; ang Malabor Abaca – Piña Weavers Association (MAPWA) at Tibiao Active Weavers and Knotters Association (TAWKA) sa Tibiao; ang Pahinis Muscovado Sugar of Laua-an Multipurpose Cooperative (LMPC); at ang Ati Bukidnon Tribal Organization sa Libertad, at marami pang iba sa pamamagitan ng mga programa ng pamahalaan na magpapaunlad sa kanilang mga produkto at makapagpapanatili ng kanilang mga negosyo.
Nakipagtulungan din si Legarda sa Department of Trade and Industry (DTI) upang dalhin ang mga lokal na negosyo sa Maynila sa pamamagitan ng National Arts and Crafts Fair, at katuwang ang Department of Tourism, inimbitahan ang mga turista na bumisita sa Antique sa pamamagitan ng showcase ng mga produkto sa Antique Harvest.
“Local food and products are always part of the experience when visiting a province. This is why we help our local industries that produce Antique’s best products such as tablea, muscovado sugar, handwoven patadyong, handmade clay pots, and handicrafts made of nito, buri, bariw, abaca and bamboo,” pahayag ni Legarda.
Ang pangangalaga sa pamana ng Antiqueño ay isa ring mahalagang bahagi ng plano ni Legarda, hindi lamang para pasiglahin ang turismo sa lalawigan kundi para matiyak din na maipapasa ang kultura at tradisyon nito sa mga susunod na henerasyon ng mga Antiqueño.
Si Legarda, kasama ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay sumusuporta sa School of Living Traditions (SLT) ng Pantad Ati Indigenous Community sa Sitio Pantad, Igcalawagan, Tobias Fornier. Ang SLT ay nagtuturo ng Ati Language, nito at buri weaving, at Meroy Kareñosa dance sa mga kabataan ng komunidad.
Bukod dito, upang suportahan ang mga lokal na artista ng Antique, inihayag din ni Legarda ang pagbubukas ng Antique Artists Fair sa natitirang Balay nga Bato sa Antique, isa sa mga inisyatiba ng kultura ng tatlong terminong senador upang mapanatili ang kultura at pamana ng Antique.
Makikilahok sa fair ay ang RAHMAG visual arts group, na binubuo ng mga Antiqueño artists na nakikibahagi sa pagpipinta, sculpting, photography, engraving, at graphic arts, bukod sa iba pa.
“Inaanyayahan ko po ang ating mga kasimanwa, pati na rin ang mga kababayan natin saan mang sulok ng Pilipinas na kilalanin ang aking mahal na probinsya. Maaari ni’yo pong bisitahin ang Antique Trade and Tourism Fair sa Old Capitol Building at ang Antique Artist Fair sa nag-iisang Balay nga Bato sa San Jose, Antique mula April 27 hanggang May 3,” anyaya ni Legarda.
“Arts and culture reflect the identity and history of a community. Having a strong sense of identity is important in ensuring that progress is inclusive and lasting,” paalala ni Legarda sa lahat. “Patuloy po nating suportahan ang ating mga lokal na produkto at patuloy na pangalagaan ang ating kultura para sa mga susunod na henerasyon,” pagtatapos pa nito.