LEGARDA, PINAKA-KWALIPIKADO PARA MAGING SUSUNOD NA SENATE PRESIDENT

NGAYONG napag-uusapan kung sino ang posible at interesadong maging susunod na Senate president, matunog ang pangalan at pinaka-kuwalipikado ay ang nagbabalik sa Senado na si dating House deputy speaker Loren Legarda.

Bagaman walang pahayag kung interesado si Legarda na mag-Senate president pero may mga naggigiit na siya ang pinaka-angkop na maging lider ng Senado sa 19th Congress.

Ito ay dahil sa si Legarda ay matalino, may karisma, leadership at masipag magtrabaho.

Bukod dito, si Legarda ang pinaka-senior sa magiging bagong komposisyon ng Senado bilang three term senator, natatanging babaeng senador na naging majority leader, naging chairman ng Senate commitee on finance at dalawang beses na nag-number one sa senatorial elections.

Si Legarda rin ay kinikilala at respetado ng ibat ibat sektor sa bansa at maging sa buong mundo dahil sa kanyang adbokasiya kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran at disaster preparedness.

Si Legarda ay kasalukuyang UNISDR Global champion for resillience, kinilala bilang Global Leader for tomorrow ng World Economic forum at Global Ambassador for Disaster Risk Reduction.

Gayundin, kumbinsido si Senate President Pro tempore Ralph Recto na isa si Legarda sa pinaka- kuwalipikado na maging susunod na Senate President sa 19th Congress.

“The qualities of the next SP should possess a mastery of parliamentary rules and procedures, a concensus builder, independent minded, stern but compassionate. Always present and never late,” ayon naman kay SP Tito Sotto.