SA UNANG pagkakataon ay susubukan ng Jams Artist Production at ng Marcuap Twin Boy ang mag-organisa ng basketball tournament. Ang owner ng kompanya ay dating manlalaro sa isang unibersidad ngunit dahil naging abala sa kanilang business ay hindi na nito naipagpatuloy ang paglalaro.
Excited si Mr. JoJo Flores, owner ng naturang kompanya, sa kanilang unang proyekto sa palakasan. Sa katunayan, sa darating na Mayo 29 ay nakatakda ang paglalaro ng LEGENDS SELECTION sa Quezon Convention Sports Center sa Lucena, Quezon. Ang mga legend ay kinabibilangan nina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Kenneth Duremdes, Allan Caidic, Vince Hizon, Poch Juinio, Willie Miller, Gary David, John Ferriols, Jondan Salvador, Denok Miranda at Rudy lingganay. Makakalaban ng Legends ang mga kilalang players sa Sariaya, Quezon na sina Jepoy Abaya, Irvin Gabrido, Ricky Tinamisan, Elmer De Leon, Dan Garcia at Ghie Lopez ngunit bago ang Legends basketball ay mapapanood muna ang Jams top model 2018, ang ‘The Grand Launch’ na pinamumunuan ni Ms. Maricar Moina a.k.a Angel Flores at ipakikilala niya ang kanyang 300 aspiring model-candidates nationwide, kasama ang mga nanalong Jams top model 2017. Siyempre pa, ang host ay ang maganda at seksing si Ms. Margo Midwinter. Sa mga kababayan natin sa Quezon, Sariaya, abangan ninyo ang Legends at Jams top models..
oOo
Nakaka-inspire itong si Paul Zamar, anak ni coach Boyzie Zamar, isa sa asst. coach sa San Miguel Beer, kung hindi ako nagkakamali. Bagama’t hindi naging matagumpay ang career ni Paul sa PBA, hindi ito nawalan ng pag-asa, bagkus ay naging hamon pa sa kanya ang nangyari sa kanyang basketball career sa professional league. Hindi ito tumigil sa paglalaro sa international basketball tournament para maging import. Sa ABL ay naging import si Paul ng Mono Vampire na nakaharap ng SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS sa finals. Ang ALAB nga ang nag-champion pero bago naiuwi ng San Miguel ALAB ang kampeonato ay pinahirapan sila ni Zamar. Hindi ito sumuko na matulungan ang team Mono. Dahil sa kasipagan ni Paul ay muling nagbukas ang kanyang PBA career. Sa katunayan ay kinuha siya ng Blackwater Elite. Very proud father si coach Boycie Zamar sa pagiging matiyaga ng anak. Congrats and good luck!
oOo
SI coach Mac Cuan ang head coach ng Mandaluyong El Tigre. Kinuha nito ang mga player ng San Miguel ALAB Pilipinas na sina Ray Parks, Lawrence Domingo, Oping Sumalinog at JR Alabanza. May kalakasan ang nabuong team ng El Tigre.Tsika namin ay may laban ito sa pagbubukas ng 2nd conference sa June 12. Very inspired si Mac mag-coach kasi dito sa Pinas siya magko-coach at laging kasama ang kanyang pamilya. Tuwang-tuwa naman si team manager Albert Valbuena na maganda ang nabuong team nila pati ang team owner na si Mr. Paolo Mercado. Abangan natin ang Mandaluyong El Tigre sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
oOo
PAHABOL: Happy 11th birthday sa anak kong si AUZTINE DWAYNE MANUEL.Babawi si mommy sa’yo. Next week na lang tayo magse-celebrate. We love you! ON THE SPOT/MALOU AQUINO
Comments are closed.