LENDING GROWTH BUMAGAL

bangko-sentral-ng-pilipinas

BUMAGAL ang paglago ng outstanding loans ng commercial banks noong Nobyembre, ayon sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang outstanding loans ay lumobo ng 16.8 percent noong Nobyembre, mas mababa sa 18.1 percent noong Oktubre.

Ang loans para sa production activities ay bumagal din sa 17.2 percent noong naturang buwan, kumpara sa 18.7 percent noong Okubre,  habang ang loans para sa household consumption ay bumaba sa 13.8 percent mula sa 14.6 percent.

Tinukoy ng central bank ang mas mahinang expansion sa credit card loans at motor vehicle loans, gayundin ang pagbaba sa salary-based general purpose consumption loans at iba pang uri ng household loans.

“The BSP will continue to ensure that the expansion in domestic credit and liquidity proceeds in line with overall economic growth while remaining consistent with the BSP’s price and financial stability objectives,” dagdag pa ng  BSP.

Comments are closed.