LEONARD ‘OUT’ NA SA SPURS?

Kawhi Leonard

MATAPOS ang pitong seasons sa San Antonio, nais umanong lumipat sa ibang koponan ni forward Kawhi Leonard.

Sa ulat ng San Antonio Express-News, may planong mag-usap ang magkabilang panig at talakayin ang anumang isyu o pag-alala na mayroon si Leonard, at makabuo ng desisyon hinggil sa posibleng five-year, $219-million supermax extension na maaaring pirmahan ng two-time first-team All-NBA guard ngayong offseason.

Kapwa tinukoy ng Express-News at ESPN ang sources sa liga sa pag-uulat na determinado si Leonard na maglaro para sa ibang koponan.

Si Leonard ay ina­asahang  makiki­pagpulong kay Spurs coach Gregg Popovich ngayong linggo upang resolbahin ang tensiyon na sumiklab sa mahabang pagliban ng All-Star noong nakaraang season. Ang dalawa ay napaulat na nagkausap, subalit hindi pa nagkikita nang personal.

Sa report ng ESPN, nais ni Leonard na maglaro para sa Los Angeles, partikular sa Lakers.

Si Leonard  ay nagpapagaling pa sa kanyang  quad injury subalit 96 hanggang 97 porsiyentong malusog at inaasahang handa na para sa training camp sa Setyembre.

Kapag hindi pumirma si Leonard sa extension, malalagay siya sa free agency sa Hulyo  2019.

Si Leonard ay naging sentro ng trade speculation sa loob ng ilang buwan matapos sumiklab ang matin­ding tensiyon noong nakaraang season sa pagitan niya at ng koponan hinggil sa paghawak ng kanyang quadriceps tendinopathy, na naglimita kay Leonard sa siyam na laro lamang, kung saan nag-average siya ng 16.2 points at 4.7 rebounds.

Comments are closed.