LEONCIO “DAKILA” ITINALAGANG MIAA GENERAL MANAGER

MIAA-2

ITINALAGA  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Leoncio Dakila “Onie” S. Nakpil bilang General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Si Nakpil ay dating regional manager at security official ng isang Middle East carrier (Bahrain) sa loob ng 34 na taon hanggang sa kanyang pagreretiro at kasalukuyang siya rin ang Chairman ng Airline Operators Council (AOC) sa loob ng 12 taon.

Siya rin ay chairman ng ASEAN Airline Operators Council sa bansa at kilala rin ito sa tawag na “airline man” ng MIAA, Southeast Asia at sa mga bansa ng Middle East.

Sa pagkakatalaga kay Nakpil bilang General Manager ng MIAA ay umaasa ang mga miyembro ng AOC sa bansa na masosolusyunan ang mga delayed at cancelled flight na siyang numero unong problema ng riding public. Froilan Morallos