Isang napakagandang tanawin sa kalangitang madilim ang meteor shower. Iyan Ang ipinamalas ng Leonid meteor shower kamakailan
Mas maganda itong panoorin mula hatinggabi hanggang madaling araw, sa mga probinsyang hindi pa nilalamon ng polusyon at wala pang gaanong street lights.
Magpapakita ang mga meteors mula sa constellation Leo, na sumisikat sa silangan kapag simula sa hatinggabi. Gayunman, nakikita ang mga bulalakaw sa langit. At dahil mula sila sa constellation Leo, kaya tinawag itong “Leonid Meteor.”
Ayon sa Space Sciences and Astronomy Section ng PAGASA, nasaksihan ang pinakamagandang meteor shower noong nakaraang October 10, 2024 at nakita rin ito sa Kamaynilaan dakong 6:37 p.m. Ang best view raw ay 1 a.m. nang sumunod na araw
Mula sa perspektibo ng daigdig, nagmula ang mga Leonids sa direksyon ng Northern Hemisphere constellation Leo. Ang Leo constellation ay makikita sa latitudes sa pagitan ng 90 at minus 65 degrees.
Nagkakaroon ng meteor shower kapag ang nabasag na maliit na asteroid ay nakapasok sa atmosphere ng mundo, habang mabilis na nalulusaw. Makikita itong parang isinabog na mga bituin pababa sa lupa. Minsan naman, nagmumukha itong dazzling bright “fireball” flash, paliwanag ng NASA.
Mabilis silang natutunaw sa atmosphere kaya wala silang nagagawang pinsala. Gayunman, kung minsan ay may nakalabi ring mumunting debris na parang maliit na bato. Baka ito ang napulot ni Darna kaya siya naging superhero.
RLVN