LETRAN DUMIKIT SA THREE-PEAT

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. – Benilde vs Letran (Finals, Game 1)

LUMAPIT ang Letran sa pagkumpleto ng three-peat sa 81-75 panalo kontra College of Saint Benilde sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Isinalpak nina King Caralipio at Kurt Reyson ang key baskets upang bigyan ang Knights ng 75-69 bentahe sa kalagitnaan ng payoff period.

Naghahabol sa 69-76 makaraang ma-split ni Louie Sangalang ang kanyang charities, hindi basta sumuko ang Blazers, tinapyas ang deficit sa tatlo, 73-76, sa jumper ni Miggy Corteza, may 3:20 ang nalalabi.

Gayunman ay hindi nasustinahan ng Benilde ang paghahabol sa stretch nang sumablay sina Macoy Marcos at JC Cullar mula sa downtown na nagpababa pa sana sa deficit at kumana ang Letran ng 5-of-6 mula sa stripe sa huling 2:10 upang kunin ang Game 1.

Tatangkain ng Knights na masikwat ang kaniang ika-20 kampeonato sa Game 2 sa Linggo, alas-3 ng hapon, sa Big Dome.

Umaasa ang Letran na maduplika ang Samboy Lim-led team noong 1982-84 kung saan nakumpleto nito ang three-peat.

Nagtala si Sangalang ng double-double outing na 24 points at 10 rebounds, nagdagdag si Caralipio ng 16 points, habang nag-ambag si Reyson ng 13 points at 3 assists para sa Knights.

Kumana si Will Gozum ng 18 points at 11 rebounds habang umiskor din si Corteza ng 18 points para sa Blazers, na nasa kanilang unang Finals appearance magmula noong 2002.

Iskor:
Letran (81) — Sangalang 24, Caralipio 16, Reyson 13, Paraiso 9, Yu 7, Javillonar 5, Olivario 4, Santos 2, Go 1, Tolentino 0, Monje 0, Ariar 0.
Benilde (75) — Gozum 18, Corteza 18, Sangco 10, Nayve 9, Marcos 7, Pasturan 4, Oczon 3, Cullar 2, Carlos 2, Lepalam 2, Flores 0, Sumabat 0.
QS: 25-21, 52-50, 66-67, 81-75.