LETRAN-MAPUA TITULAR SHOWDOWN SIMULA NA

Laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

3 p.m. – Letran vs Mapua

MAPAPALABAN sa Letran squad na pinapaborang maghari sa NCAA men’s basketball tournament, kinakailangan ng Mapua na gawin ang lahat upang maging kapana-panabik ang all-Intramuros finale.

Sa pagsampa ng  Cardinals sa pinakamalaking entablado ng liga sa unang pagkakataon sa loob ng 31 taon, handa si coach Randy Alcantara na  sumagupa sa Knights.

“Talagang hindi biro pumasok sa finals kaya siguro mas titriplehin namin ‘yung trabaho namin,” sabi ni Alcantara.

Sisimulan ng back-to-back title-seeking Letran at Mapua ang kanilang Sundays-only best-of-three series sa alas-3 ng hapon sa Filoil Flying V Centre.  Ang championship series ay ipalalabas sa GMA 7 at GTV.

Ang Knights ay walang talo sa 10 games ngayong season, kabilang ang 80-60 pagbasura sa Cardinals noong nakaraang April 8.

Ang Letran at Mapua ay kapwa galing sa hard-fought Final Four victories upang umabante sa title round.

Nalusutan ng Knights ang University of Perpetual Help System Dalta, 77-75, habang kinailangan  ng Cardinals ng dalawang laro para putulin ang streak ng San Beda na 14 consecutive Finals stints sa isa pang the semis pairing. CLYDE MARIANO