ANIM na bagong players ang nadagdag sa lineup ng Colegio de San Juan de Letran Knights sa pagsisikap nitong mahablot ang ika-4 na sunod na men’s basketball title.
Sina Jonas Napalang, James Jumao-as, Shad Chang, Paolo Galvez, Ira Mañas, at Nathaniel Montecillo ang mga pinakabagong miyembro ng Muralla-based squad kung saan ang unang limang players ay eligible maglaro sa NCAA Season 99, habang si Montecillo ay sa Season 100.
Si Napalang ay isang 5-foot-11 playmaker na second-leading scorer para sa University of the Philippines Integrated School na may averages na 16.71 points, 4.29 rebounds, 3.14 assists, at 1.29 steals sa loob ng 35 minuto.
Samantala, si Jumaoas ay isang 6-foot-tall winger mula sa University of Santo Tomas na nagposte ng 13.18 points, 4.09 boards, 1.91 assists, at 1.09 steals sa loob ng 22 minute para sa Tiger Cubs sa UAAP Season 85.
Si Chang, 18, ay isang 5-foot-11 guard mula sa De La Salle Zobel na may averages na 3.93 points, 2.5 assists, at 1.43 rebounds sa loob ng 22 minuto, habang ang 20-year old, 5-foot10 skipper na si Galvez ay mula sa St. Jerome School of Novaliches na pinangunahan ang GameChanger Novaliches sa NCR Division Finals ng Ballout Founder’s Cup.
Si Mañas, 18, ay isang 6-foot-3 forward na naglaro para sa Homegrown Australia sa 2023 Smart-NBTC National Finals, at nakakolekta ng 9.8 points, 4.8 boards, at 1.0 steal tungi sa Division 2 semifinals appearance.
Naging bahagi naman si Montecillo, isang 5-foot-10 guard, ng Salle’s Team B na may averages na 3.0 points, 1.8 rebounds, at 1.3 assists sa Filoil EcoOil
Preseason Cup noong nakaraang taon. Sa ilalim ni bagong Knights head coach Rensy Bajar, makakasama ng anim sina veterans Kurt Reyson, Pao Javillonar, at Kobe Monje sa pagdepensa ng Letran sa kanilang titulo.