LETRAN NO. 3 SEED SA SEMIS

NCAA

SUMANDAL ang ­Letran kina Bong Quinto at JP Calvo upang makaganti sa Perpetual Help sa pamamagitan ng 82-80 panalo sa NCAA basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Sa panalo ay kinuha ng Knights ang No. 3 seed sa semifinals.

Nagbuhos si Quinto ng 22 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 steals, habang tumipa si Calvo ng 17 points, 5 boards, 7 assists at 2 steals.

Isa sa steals ni Calvo ay naganap sa hu­ling 25 segundo ng laro kung saan naghahabol ang Knights sa 79-80.

Ito ang ika-6 na sunod na panalo ng Muralla-based dribblers at ika-13 sa kabuuan sa 17 outings.

Naiganti ng Letran ang 75-78 pagkatalo sa Perpetual Help sa una nilang paghaharap noong Hulyo 13.

Nalasap naman ng Altas ang ika-6 na pagkatalo laban sa 11 panalo para magkasya sa fourth seed.

Iskor:

Letran (82) – Quinto 22, Calvo 17, Muyang 11, Ambohot 8, Batiller 8, Fajarito 6, Galvelo 3, Celis 3, Taladua 2, Balagasay 2, Yu 0, Mandreza 0.

Perpetual Help (80) – Peralta 17, Charcos 16, Eze 14, Jimenez 13, Razon 9, Coronel 8, Mangalino 3, Aurin 0, Cuevas 0.

QS:  23-18; 43-44; 63-63; 82-80

Comments are closed.