LETRAN, SAN BEDA DUMIKIT SA TWICE-TO-BEAT INCENTIVES

Standings W L
*Letran 13 4
*Benilde 12 4
*San Beda 12 5
*LPU 12 6
SSC-R 7 9
Arellano 7 9
Perpetual 7 11
Mapua 6 11
JRU 6 11
EAC 2 14
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs EAC
3 p.m. – Arellano vs Benilde

LUMAPIT ang defending champion Letran at bitter rival San Beda sa pagkopo ng twice-to-beat incentives sa Final Four makaraang gapiin ang kani-kanilang katunggali sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Naglaro na wala si coach Bonnie Tan, kumarera ang Knights sa 74-58 panalo kontra Mapua upang maibalik ang kanilang winning ways, habang pinataob ng Red Lions ang Jose Rizal University, 70-61.

Umangat ang Letran sa 13-4, pinatalsik ang College of Saint Benilde, na makakaharap ang Arellano University ngayong araw, sa top spot.

Ang Blazers ay nasa ikalawang puwesto na may 12-4 marka, nangangailangan ng dalawa pang panalo para sa top two spot.

Nakopo naman ng San Beda ang solo third na may 12-5 papasok sa duelo sa Benilde sa Martes, isang match-up na posibleng magdetermina sa top two squads sa Final Four.

Tatapusin ng Knights ang kanilang elims stint kontra Bombers sa Miyerkoles.

Nalusutan ang foul trouble, nanguna si Louie Sangalang para sa Letran na may 21 points sa 9-of-10 shooting mula sa field at 5 rebounds habang nagdagdag si Fran Yu ng 10 points, 7 boards at 3 assists.

Nagtala sina Jacob Cortez at James Kwekuteye ng pinagsamang 27 points para sa San Beda na nalimitahan ang JRU sa limang puntos sa payoff period.

Ang Cardinals at Bombers ay kapwa nahulog sa 6-11.

Iskor:
Unang laro:
Letran (74) — Sangalang 21, Yu 10, Reyson 9, Caralipio 8, Javillonar 8, Ariar 6, Monje 4, Olivario 3, Guarino 3, Paraiso 2, Santos 0.
Mapua (58) — Hernandez 13, Bonifacio 8, Pido 8, Nocum 6, Cuenco 5, Lacap 5, Soriano 4, Garcia 3, Salenga 3, Agustin 3, Mercado 0.
QS: 22-18, 46-32, 60-53, 74-58

Ikalawang laro:
San Beda (70) — Cortez 15, Kwekuteye 12, Alfaro 11, Bahio 10, Andrada 7, Sanchez 6, Payosing 5, Cuntapay 2, Visser 2, Cometa 0, Jopia 0, Tagala 0.
JRU (61) — Miranda 19, Medina 12, Dionisio 8, Delos Santos 6, Dela Rosa 6, Tan 6, Guiab 4, Sy 2, De Jesus 0, Arenal 0, Gonzales 0, Mercado 0.
QS: 24-15, 40-36, 53-56, 70-61.