LETRAN UMARIBA

LETRAN

Mga laro sa Martes:

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

8 a.m.- CSB vs JRU (jrs)

10 a.m.- MU vs AU (jrs)

12 nn.- CSB vs JRU (srs)

2 p.m.- MU vs AU (srs)

4 p.m.- EAC vs SBU (srs)

6 p.m.- EAC vs SBU (jrs)

PINATAOB ng Letran ang Jose Rizal, 74-68, upang sumalo sa ikatlong puwesto sa Perpetual Help sa 94th NCAA basketball tournament kanina sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagsalitan sina Christian Fajarito at Larry Muyang, transferees mula sa St. Benilde at La Salle, ayon sa pagkakasunod, sa pag-iskor upang kunin ng Knights ang ikalawang sunod na panalo sa tatlong asignatura.

Sina Fajarito at Muyang ay nagbuhos ng tig-14 points at nagtuwang para sa 17 rebounds, kung saan nanalasa ang una sa  second quarter nang ma-outscore ang Bombers, 20-9, upang itala ang 39-31 kalamangan sa break mula sa 19-22 first quarter deficit, habang kumana si Muyang ng 11 points sa third canto nang tuluyang kumawala ang koponan.

Si Fajarito rin ang umiskor na nagbigay sa Letran ng pinakamalaking kalamangan sa laro, 70-43, wala nang pitong minuto ang nalalabi.

“We are blessed to have been gifted big men this season,” wika ni Letran coach Jeff Napa.

Na-outrebound ng Knights ang Bombers, 55-33, kabilang ang 24 sa offensive laban sa 11 ng huli.

Ang Bombers na pinangunahan ni Jed Mendoza na may 16 points, ay nanatiling walang panalo sa apat na simula.

Sa iba pang laro, sinamahan ng Arellano University ang Letran at Perpetual Help sa ikatlong puwesto nang maungusan ang San Sebastian, 82-81, sa overtime.

Naisalpak ni Levi dela Cruz ang game-winning triple at gumawa ng decisive steal sa OT upang tulungan ang Chiefs na makopo ang ikalawang panalo laban sa isang talo.

Si Dela Cruz din ang naging bayani ng Chiefs sa 75-69 overtime win laban sa  Emilio Aguinaldo noong Hulyo 19.

Nalasap ng Stags ang ikatlong pagkatalo sa limang laro.

Iskor:

Unang laro:

Letran (74)  – Fajarito 14, Muyang 14, Calvo 9, Quinto 8, Balanza 7, Ambohot 7, Mandreza 4, Balagasay 3, Celis 3, Batiller 2, Taladua 2, Agbong 1, Yu 0, Banez 0

JRU (58) – Mendoza 16, Esguerra 11, David 10, Miranda 9, Dela Virgen 6, Bordon 4, Mallari 2, Padua 0, Silvarez 0, Dela Rosa 0, Ramos 0, Es-trella 0

QS: 19-22; 39-31; 65-43; 74-58

Ikalawang laro:

Arellano U (82) – Alban 18, Alcoriza 15, Dela Cruz 10, Sera Josef 8, Villoria 8, Concepcion 7, Canete 6, Santos 5, Dela Torre 3, Sacramento 2, Bayla 0, Ongolo Ongolo 0, Codinera 0, Segura 0, Abdurasad 0

San Sebastian (81) – Calisaan 28, Calma 15, Capobres 12, Dela Cruz 10, Are 8, Ilagan 4, Valdez 2, Sumoda 2, Villapando 0, Baytan 0, Desoyo 0, Isidro 0

QS: 17-12; 31-25; 43-53; 72-72; 82-81 (OT)

Comments are closed.