LETRANG “F” SA FILIPINO IPINAGBAWAL NANG GAMITIN

NAGLABAS  ng kautusan kamakailan ang Komisyon ng Wikang Filipino at Department of Education sa lahat ng mga tanggapan na nasa ilalim nito na kagyat ituro ang paggamit ng letrang “P” bilang pagtukoy sa Pilipinas at Pilipino at ang paggamit ng letrang “F” sa Filipinas at Filipino ay ipinagbabawal na.

Ito ang naging pasya ng Komisyon at Kagawaran matapos ang marami at mahabang talakayan sa mga manunulat, historyador, guro, at publiko.

Imbes na Filipinas na may letrang “F” ay gagamitin na ang opisyal na salita ang Pilipinas na may letrang “P” bilang pagtukoy sa ating bansa kasama na ang salitang Filipino bilang pagtukoy sa mamamayan kundi ito ay magigiging Pilipino na rin na may letrang “P”.

Ang desisyong ito ng Komisyon ay bunsod na rin sa pagtukoy ng 1987 Constitution bilang Pilipinas ang orihinal na tawag sa ating bansa at Pilipino naman ang opisyal na tawag sa mga mamamayan.
GLEN RAMOS