May kaway na magical ang mga lugar sa Pilipinas at hindi natin ito maitatanggi. Kaya lang, medyo mahal. Mas mahal pa kesa kung pupunta ka sa abroad. Halimbawa na lang, sa Batanes. Pamasahe pa lang, para ka nang nag-Hong Kong. Pero subukan kaya natin ang backpack style? Isang backpack at maliit na tent, ready to go ka na para libutin ang napakagandang Pilipinas.
Magandang kasaysayan at alamat ang nakaukit sa mga bato ng ating karagatan, libong taon na ang nakalipas. Saksi dito ang natural na kagandahan ng kaparangang nakalatag sa kabundukan. Pwede naman talaga ang backpacking sa Pilipinas. Ito yung pagyakap sa kalayaan, kultura at pakikipagsapalaran.
Hindi madali at medyo nakakatakot, ngunit kung kaya ng mga carpetbaggers ng Europe at America, kaya din natin. Hindi ba sa ganyang paraan natuklasan ang Boracay ng isang German writer?
Lighting natin mula sa matrapik na kalsada ng cosmopolitan capitals tulad ng Cebu, hanggang sa payapang halimuyak ng mga maliliit na barangay sa Siargao, bawat destinasyon ay nangangako ng kakaibang karanasan na hihipo sa kaluluwa ng manlalakbay.
Gayunman, nangangailangan ito ng paghahanda upang masigurong maayos ang lahat.
Badyet ang una sa listahan, syempre. Kahit may tent ka, gagastos ka pa rin sa pagkain at pamasahe para makarating sa mga destinasyon. Para makatipid, magdala ka ng mga instant food, biscuits, kape, at kahit anong food na madaling ihanda para hindi ka na gaanong bibili. Dala ka rin ng maliit na thermos para sa hot water, at mini stove na rin for emergencies in case na walang mabibilhan ng pagkain. Ah, at saka nga pala mosquito repellant para safe in case na mahal ang accommodation.
Embrace flexibility. Minsan, may mga last-minute itinerary changes na magbibigay ng hindi inaasahang adventures at baka makatipid ka pa.
Masayang pumunta sa mga festivals — at napakarami niyan sa Pilipinas. Ang sinulog, maskara, parada ng litson, pahiyas, peñafrancia ay ilan lamang sa makukulay at masayang pagdiriwang.
Diskubrihin din ang hiwaga ng Isla Verde sa Lobo, Batangas at ang sun-drenched beaches ng Sibuyan Island, ang majestic Mayon, at ang Taal Volcano. Huwag kalilimutan ang tarsier ngBohol, landscapes ng Mt. Apo, at iba pang magbibigay ng smorgasbord visual delights. Bawat siyudad, bawat bayan, bawat ethnic group, ay may sariling rhythm and story—namnamin mo ito.
Unawain at igalang ang kanilang kustumbre. Respeto ang susi sa masayang pagkalakbay. Kung pwede nga, alamin mo ang salita nila. Matutuwa sila kapag narinig ka nilang magsabi ng good morning o thank you sa dayalekto nila. Isa itong form of connections sa mga residente. Humanap ka ng pagkakataong matikman ang kanilang kultura. Halimbawa, sa fiesta o kasal — kahit ano! Tikman mo ang pagkain nila, makikanta — these authentic moments often become cherished memories.
Pero safety pa rin ang dapat na top priority. I-secure ang gamit. Mahirap na, baka maglakad ka sa dagat pauwi.
Bago pumunta sa bagong location, mag-research sa local safety.
Hindi pare-pareho ang accommodations sa mga isla ng Pilipinas– minsan nga, wala pa, kaya be ready with your tent and solar charger. At syempre, sa mini stove. May namana ako sa Mommy ko instant cooking. Yung lata ng sardinas, lalagyan lang ng alkohol, pwede nang paglutuan. Hindi pa mauling. Kaya everytime na magba-backpack travel ako, laging may isang canned food at aluminum mug (sarten) akong baon. Yung marten ang initan ng tubig at lutuan ng ramen.
Minsan nga pala, bawal ang tent, pero may mura namang guest house kaya okay na rin.
Advice ko nga pala … travel light. Mahirap mamasyal at mag-enjoy na mabigat ang dala. At siguruhing matibay ang backpack mo at big enough para madala ang mga indispensable na bagay. Dapat, versatile ang damit para maka-adapt sa klima at cultural settings. Don’t forget the mahiwagang alampay na pwedeng kumot, accessory sa damit, proteksyon sa araw, at marami pang iba. Huwag kalilimutan ang comfortable walking shoes at flip-flaps, at syempre, first-aid kits.
Dapat din, may extra shoes ka para sure.
Dala ka rin ng mini solar light na may cellphone charger, important (wag na ang big towels dahil bulky at mabigat) at extra locks to be sure.
I’m sure, tulad ko ay mai-in love ka sa Pilipinas kapag nagsimula ka nang mag-explore. That case, huwag kang magta-taxi. Gumamit ka ng public transport para maranasan mo. Halimbawa na lang, yung habal-habal na sampu kayong nakasakay sa iisang motorbike, na may nakakabit na malapad na tabla — limahan sa magkabilang dulo — at buong husay na iaakyat ng driver sa bundok na ang gilid ay malalim na bangin. Daig mo pa ang sumakay sa rollercoaster. Friendly reminder nga pala. Adopt eco-friendly habits. Wag tapon ng tapon. Baka magalit ang mga diwata.
Tandaan ninyong ang tunay na essence ng backpacking saan mang panig ng mundo ay hindi lamang pamamasyal kundi pakikisalamuha rin sa tao. Hindi ko masasabing isa akong tunay na writer dahil pinilit lang ako ng Mommy ko na nagustuhan ko rin eventually, ngunit bawat pakikipagsapalaran at may kaakibat na kasaysayan. Namnamin mo ito at itala sa iyong journal. Baka isang araw, mapakinabangan mo.
Maglakbay kang bukas ang puso at isip sa bawat karanasan.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE