LEVEL NG TUBIG SA ANGAT DAM BABABA PA

PINANGANGAMBAHANG  bababa pa at maaaring halos umabot na sa kritikal na minimum operating level na 180 meters sa mga susunod na buwan ang Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig ng Metro Manila at mga karatig probinsya.

Nagsimulangang bumagsak sa 200.05 ang level ng tubig nito araw ng Martes dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist na si Richard Orindain, bumaba ng 11 meters ang level ng Angat bandang 6 ng umaga ng Martes mula sa pinakahuling naitalang level nito na 200.16 meters.

Ang elevation ng Angat Dam ay 11.95 meters na mababa umano sa normal na level ng tubig na kinakailangan nito na 212 meters bagamat 20.015 naman ang mataas sa minimum operating level nito na 180.

Tantya ni Orindain, bababa pa ang level ng tubig sa Angat sa 189 meters hanggang 182.73 meters sa pagitan ng katapusan ng Abril hanggang Mayo na mas mababa sa rule curve ng dam.

Ayon kay Orindain, ito ay base sa forecast ng National Water Resources Board (NWRB) na una ng nag’anunsyo ng pagbaba ng alokasyon ng 48 cubic meters (cms)per second sa Abril mula sa 50 cms per second ngayong buwan.

Subalit maaari aniya magbago ang forecast ng PAG ASA sa level base sa plano ng NWRB na magbabawas ng alokasyon ng tubig sa Angat upang mabawasan ang konsumo ng mga consumer sa tinitipid na tubig.

Bagamat bumababa ang water level sa Angat dam sa kasagsagan ng init ng panahon,ayon kay Orindain na mas mataas pa umano ang kasalukuyang level kumpara noong isang taon sa kaparehong petsa.

Kadalasan umano ay bumabagsak talaga ng mas mababa pa sa minimum na water level na 180 hanggang Mayo ang tubig sa Angat Dam.

Dagdag pa niya kaya maaaring bahagyang mataas pa ang level sa Angat dam ngayon kumpara ng nakaraang taon ay dulot ng ulan noong Disyembre kung kaya umabot sa 212 meters ang tubig sa naturang dam. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia