(Lexi, Shayne, Kim at Allen)  STARSTRUCK FINAL 4 INANUNSIYO NA

STARSTRUCK final

NATAPOS na ang mga acting tests sa mga finalists ng original artista search ng showbiz eyeGMA Network, ang “StarStruck” last Sunday, September 8, at nai-announce na ni StarStruck host Dingdong Dantes ang bubuo sa Final 4 para sa Final Judgment this weekend ng show.

Ang Final 4 ay sina Shayne Sava at Lexi Gonzales for the females at sina Allen Ansay at Kim de Leon sa  males.

Nang finally ay hi­ningan na ng message ni Dingdong ang apat, hindi na sila nakatiis na ma­ging emosyonal.  Bakit nga hindi ay mula sa ilang libong nag-audition sa iba’t ibang lugar sa bansa, ay heto at sila na lamang apat ang natitira at pi­piliin sa Final Judgement sa Sunday, September 15, ang tatanghaling Ultimate Male at Ultimate Female Survivors.

Pansin din na kahit ang StarStruck Council na sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo ay nagpakita rin ng emosyon. Tulad nga ng laging sinasabi ni Cherie, nakita raw nila ang pag-evolved ng performances ng bawat isa sa mga finalist at kung puwede nga lamang ay lahat sila ay manalo, pero may mga acting tests at doon sila hinuhusgahan hindi lamang ng council kundi ng fans na bumoboto sa kanila through social media.

More than four months din kasing nakasama ng council ang mga finalist at totoong mahirap para sa kanila na sabihin ang pagkakamali ng bawat isa pagkatapos ng kanilang performance.

But for sure ay hindi naman masasayang ang paghihirap nila, tiyak na sa natirang Final 4, after the Final Judgement, marami rin sa kanila ang kukuning artista ng GMA Network.

In-announce na rin ni Dingdong na live nang mapanonood ang dalawang huling gabi ng show, sa September 14 at 15.  Hindi pa lamang niya in-announce kung saan gaganapin ang final judgment.

DINGDONG AT JENNYLYN MAMI-MISS NG TAGASUBAYBAY SA STARSTRUCK

NAMI-MISS naman ng mga sumusubaybay ng “StarStruck” ang co-host ni DINGDONG AT JENNYLYNDingdong Dantes na si Jennylyn Mercado.  Muli, dalawang gabi siyang absent last September 7 & 8 sa show.

Baka abala lamang si Jennylyn sa mga hu­ling taping days ng “Love You Two” nila ni Gabby Concepcion na nasa final week na ngayon at magwawakas na sa ngayong Friday, September 13.  Eagerly awaiting na ang mga sumusubaybay sa romantic-comedy series, kung matutuloy na ang wedding nina Jake (Gabby) at Raffy (Jennylyn).  Kung ano-ano kasing aber­ya ang nangyayari sa mag-sweetheart at laging napo-postpone ang kasal nila.

Tiyak daw na si Jennylyn ang pinakamagandang bride at pinakaguwapo namang groom si Gabby.  Mapapanood sila gabi-gabi after ng “Beautiful Justice.”

Sa “Love You Two” ipapalit ang bagong te­leserye ni Alden Richards, ang “The Gift” na dinidirek ni LA Madridejos at may worldpremiere sila simula sa Monday, September 16, sa GMA Telebabad.  Nagkaroon na sila ng media launch last Monday, September 9, sa Prime Hotel.

SAHAYA ‘DI NATAMBAKAN NG KALABAN

ABOT-ABOT ang pasasalamat ng Team Sahaya sa lahat ng mga netizen na Sahayasumubaybay sa epic serye, mula sa simula hanggang sa finale nito last Friday, September 6, 2019.  Nagpasalamat din sila dahil binigyan sila ng magandang rating mula sa NUTAM PPL PRIME ng AGB Nielsen.  Nagtala ang “Sahaya” ng 12.5% at “Ang Probinsyano” ng 13.5%.