LEYTE GAS STATION NAG-AALOK NG ONLINE FUEL PURCHASE

ONLINE PURCHASE

NAG-AALOK ng online purchase ng langis ang isang sangay ng gas stations sa siyudad ng Leyte at sa kalapit na munisipalidad ng Palo, kauna-unahang ganitong klase sa rehiyon.

Sinabi ng Nitrofuel Corporation president na si Wilson Uy, and desisyon na mag-online ngayong taon ay naglalayon na makapaghandog sa mga demand ng “millennials” para sa  web-based services.

Nilikha ni Uy ang web page para ipakilala ang produkto at ang karagdagang handog nito sa fuel online.

Madali aniya ang proseso, kung saan ang makabibili ng langis online at makakakuha ng magadang presyon sa merkado.

Hindi kailangan ang credit card at ang kostumer ay magbabayad lamang sa mismong lugar.

“All you have to do is to register through this link: http://order.nitrofuelcorp.net/orders_apply, reserve and claim your order within three days,” sabi ni Uy.

Siniguro niya sa mga kostumer na matapos ang tatlong araw na hindi na-pick up ang online reservation sa fuel, kanselado na ang order at walang ob-ligasyon ang kostumer sa gasolinahan.

“When the fuel price suddenly increased and the reservation is still within the three-day period, the costumer still have to pay the original price stated in online reservation,” dagdag ni Uy.

Nairehistro noong 2016, ang Nitrofuel ay may apat ng gas stations sa Tacloban at apat na sangay sa kalapit-bayan sa Palo town.   PNA

Comments are closed.