NIYANIG ng magnitude 5.5 earthquake ang Leyte na posibleng makalikha ng pinsala at magresulta ng aftershocks kahapon ng umaga.
Base sa earthquake information number 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng pagyanig ay nasa 8 kilometers southeast ng Capoocan.
Naitala ito bandang alas-5:19 ng umaga kahapon nang tumama ang lindol na may lalim na 9 kilometers.
Naitala ang intensity 5 sa Kananga, Pastrana, Tacloban City at Ormoc City.
Habang Intensity 4 sa mga bayan ng Palo, Dulag, Babatngon,– Alang-alang, Palompon, Mandaue City, Cebu City, Naval at Biliran. Intensity 3 naman sa Lapu-lapu City at Lawaan, Eastern Samar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.