LEYTEÑOS NAGPASALAMAT SA PAGBUBUKAS NG 2 MALASAKIT CENTERS

PINANGUNAHAN ng mag-asawang House Majority Leader Martin Romualdez (Leyte 1st. Dist) at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez ang pagpapaabot ng lubos na pasasalamat ng mga mamamayan ng Leyte kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Bong Go sa pagbubukas ng dalawang bagong ‘Malasakit Centers’ sa kanilang lalawigan.

Nabatid sa House Majority Leader na ang bagong bukas na Malasakit Centers ay matatagpuan sa Leyte Provincial Hospital at Schistosomiasis Research Hospital na nasa bahagi ng bayan ng Palo.

Giit ng mag-asawang Romualdez, ang paglalagay ng naturang centers ay resulta ng pagsusumikap at dedikasyon ng Duterte administration, katuwang ang Senado, sa pamamagitan ni Sen. Go, at liderato ng Kamara na isulong ang pagkakaroon ng maayos at dekalidad na healthcare system,lalo na sa mga malalayong lugar sa bansa.

“As principal authors of RA (Republic Act) No. 11463 or the Malasakit Center Act, we congratulate President Duterte and Sen. Bong Go on the continued launching of Malasakit Centers, this time in Palo, Leyte. Definitely this ‘malasakit’ (compassionate) initiative is a huge boost to the health needs of our constituents. The growth of Malasakit Centers is impressive,” sabi pa ng mag-asawang Romualdez.

“It rolls out the red carpet for the establishment of a one-stop shop across the country where indigent patients will have widen access to quality medical and primary health care services that would complement the implementation of the Universal Health Care (UHC) program,” dagdag nila.

Ayon sa Leyte province lawmaker, sa pamamagitan ng nabanggit na batas, mababawasan kung hindi man tuluyang maiiwasan ang paggastos ng malaki sa pagpapagamot ng mga mahihirap na pasyente.

Sa pagkakaroon naman ng Malasakit Center, sinabi ng lady solon na mabibigyan ng pagkakataon ang indigent patients na makapag-apply at makatanggap ng financial assistance para matugunan ang kanilang hospital bills.

“The Malasakit Center exemplified government’s efforts in making the medical services, especially to the poorest of the poor responsive to their needs,” paliwanag pa ng Romualdez couple.

Samantala, personal ding pinasalamatan ng mag-asawang kongresista si Go sa pagpapaabot ng tulong ng huli sa mga pamilya mula sa Northern Samar na sinalanta ng bagyong Bising kamakailan.

“We are grateful to you Sen. Go for all you have done to our constituents in Region 8 during this hardest time. We are overwhelmed by your support that gave comfort and hope amidst the wrath of devastation of the recent typhoon,” dagdag pa nila. ROMER R. BUTUYAN

5 thoughts on “LEYTEÑOS NAGPASALAMAT SA PAGBUBUKAS NG 2 MALASAKIT CENTERS”

  1. 339540 607844You completed various good points there. I did a search on the theme and discovered the majority of folks will consent together with your weblog. 294091

Comments are closed.