LGBTQ PINAHALAGAHAN SA PALAYAN CITY

Rianne Cuevas

PINAHALAGAHAN ang mga kontribusyon ng LGBTQ sa Palayan City Nueva Ecija sa pamamagitan ng pag­lulunsad ng kauna-unahang summit para sa kanila.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, malaki ang naging ambag ng LGBTQ sa pag-unlad ng lungsod kaya nila ito kinilala sa pagdaraos ng 1st Palayan Rainbow.

Daan-daang miyembro ng LGBTQ sa lugar ang dumalo sa pagtitipon para ipahayag ang kanilang mga opinyon, saloobin at ipinamalas na rin ang kanilang mga talento sa larangan ng beauty contest.

Sinabi ni Mayor Cuevas, mahalaga ang mga kontibusyon ng LGBTQ sa kanilang komunidad na nagpamalas ng ganda, art, fashion, matagumpay na pagnenegosyo at iba pa.

“We take for granted yet sila ang nilalapitan natin if we need to be beautiful or kung need nating ng mga magagandang kasuotan” anang alkalde.

Tinukoy rin ni Mayor Cuevas na ma­raming LGBTQ ang naging matagumpay sa entrepreneurs, doctors, lawyers, miyembro ng academe at iba pang talento na kanilang tag­lay.

Nangako si Mayor Cuevas na masusundan pa ang naturang summit bilang pagkilala sa mga kakayahan at kontribus­yon ng grupo sa Palayan City.

Comments are closed.