UMALMA ang LGBTQIA2S+ community kaugnay ng lumlalang climate crisis.
Anila, bawat araw na wala tayong aksyon ay nawawala ang pag-asang maisalba ang irreversible damage na nakaaapekto sa marginalized communities.
Ayon sa LGBTQIA2S+, nakararanas sila ng diskriminasyon kapag nagkakaroon ng climate-induced disasters.
Iniitsa-pwera umano ang mga bakla sa mga transitional housing at essential services bukod pa sa binabastos — dahil lang sila ay bakla.
Sa mga relief and recovery operations, kadalasan umanon hindi kasama Ang third sex.
Ipinaaalala umano nilang tao rin ang mga miyembro ng LGBTQIA2S+ at tungkulin ng mga nasa posisyon na maging patas.
Matagal nang isinusulong ng Greenpeace Ang climate justice, kung saan may pagkakapantay-pantay sa lahat ng sektor ng lipunan.
Mahalaga umanong unahin ang marginalized communities.
Isinusulong din nilang maipasa ang SOGIE Equality Bill.
HIIT pa ng Greenpeace, iisa lamang ang ating Mundo at ito ay para sa lahat, maging Ikaw man ay girl, boy, bakla o tomboy.
Ang SOGIE Equality bill ay isang senate bill laban sa diskriminasyon base sa sexual orientation ay gender identity. was believed to have been first pinaniniwalaang una itong isinumite sa 11th Congress of the Philippines noong 2000 ng namayaang Senador na si Miriam Defensor-Santiago. RLVN