HINILING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang local government units (LGUs) ang manguna sa pagbabantay sa mga komunidad na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kontra COVID-19.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ipapaubaya na ng ahensiya sa mga local executive ang pagkontrol ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Ang mga LGU na rin ang may kapangyarihang isailalim sa lockdown ang mga barangay na may pinakamaraming natamaan ng COVID-19 na nakaugnay pa rin sa Regional Inter-Agency Task Force.
Pinaalalahanan ni Año ang mga LGU na mahigpit pa ring ipatupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng social distancing sa mga komunidad.
Comments are closed.