LGU-MASBATE AWARDEE SA GAWAD KALASAG

MULING pinarangalan ang lalawigan ng Masbate bilang Beyond Compliant sa prestihiyosong Gawad KALASAG para sa ikalawang sunod na taon. 
Ang karangalang ito ay patunay sa dedikasyon at pagsusumikap ng lahat tungo sa mas ligtas, angkop at matatag na komunidad ng mga Masbateño.
Pinangunahan ni Governor Antonio T. Kho,  PDRRM Council Chairperson at Dr. Adonis Dilao, PDRRM Officer ang inisyatibang ito.
Bukod dito, tatlong Local Government Unit (LGU) ng Masbate ang nakatanggap ng Beyond Compliant commendation at ang 13 LGU na kinilala bilang Fully Compliant sa 24th Gawad Kalasag sa Bicol region.
Mula sa limang LGU noong nakaraang taon, 16 na LGU na ngayon mula sa kabuuang 21 ang pumasa sa pamantayan ng Gawad Kalasag.
Ang nasabing award ay dahil sa suporta ng mga miyembro, tauhan at stakeholder ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) ng Masbate.
RUBEN FUENTES