MASBATE CITY-BINIGYAN ng Pamahalaang Lungsod ng Masbate at Advisory Council ng modernong kagamitan ang pamunuan ng pulisya rito sa isinagawang simpleng ceremonial turn-over.
Sa ulat ng Masbate City Police,tinanggap ng hepe nitong si P/Major.Steve Dela Rosa ang anim na M4 M-16 armalite rifle na may kasamang magazines,14 pirasong ballistic helmets at dalawang bullet proof vest mula sa alkalde ng Lungsod na si Mayor Rowena Tuason bilang tugon sa kakulangan ng PNP sa mahahabang baril na gagamitin naman sa pagpapalakas ng puwersa laban sa kriminalidad.
Kasabay nito, ibinigay ng Masbate City Advisory Council (CAC),isang NGO ang 25 pirasong Signos hand-held radio na may repeater base mula naman sa kasapi nitong si Liga President Socrates Tuason na pangunahing kagamitan sa mabilis na komunikasyon ng mga awtoridad upang agarang matugunan ang anomang insidente sa mga lugar na sakop ng naturang lungsod.
Ayon kay Dela Rosa,hinikayat niya ang ilang prominenteng indibidwal na kinabibilangan ng mga negosyante,abogado,pari at ilang opisyal ng ahensiya ng gobyerno na bumuo ng City Advisory Council upang maging katuwang sa pagsusulong at pagpapatupad ng makabuluhang programang layunin ang mas mapalapit ang kapulisan sa mga sibilyan at matulungan ito sa pagpapanumbalik sa tiwala ng taumbayan.
Una nang nagsagawa ng feeding program sa mga kabataan at relief operations ang CAC noong 2020 sa kasagsagan ng pandemyang ito sa ilang barangay sa lungsod sa ilalim ng pamumuno nina Karla Bunan,Alejandro Lim Jr,Bgy.Capt.France Anonuevo,City Prosecutor Ernesto Sulat at iba pang kasapi kaakibat ang mga awtoridad.
Kaugnay nito,pinasalamatan naman ng mga pulis ang anunsyo ni Mayor Tuason na karagdagang matataas na kalibre ng baril at bullet proof vest na ibibigay kasabay ng darating na 4 wheel truck na tulong naman ng CAC.
“Naniniwala akong kailangan tulungan ng lokal na pamahalaan ang PNP na siyang katuwang natin sa pagpapanatili ng katahimikan dito kaya naman gumagawa kaming mga opisyal ng paraan upang ma modernize ang kanilang kagamitan para mas lalo silang maging epektibo sa trabaho bilang alagad ng batas”ani Mayor Tuason. NORMAN LAURIO
103063 196361Exceptional post. I was checking constantly this blog and Im impressed! Very helpful details specially the last part I care for such details a lot. I was seeking this particular information for a long time. Thank you and finest of luck. 660874
181019 545096I really like reading by way of and I believe this site got some genuinely utilitarian stuff on it! . 506654