LGU, OSPITAL SA SAN PABLO KATUWANG SA PAGBABAKUNA

LAGUNA – MAGKATUWANG na isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng San Pablo at ng San Pablo City General Hospital (SPCGH) ang “Resbakuna Kasangga ng Bida” kahapon ng umaga.

May temang “All For Health Towards Health For All” ang nasabing programa kung saan nasa mahigit na 200 medical health workers sa lugar ang nakatakdang magpabakuna sa pangunguna ni SPCGH Chief of Hospital Dr. James Lee Ho.

Ayon kay San Pablo City Mayor Loreto Amante, ipinagkaloob ng Pamahalaang Nasyunal ang nasa 2, 850 na doses ng Astrazenica ang ipinagkaloob ng pamahalaan na makakatulong para mabakunahan ang lahat ng mga health worker sa lungsod kasunod ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, naging saksi sa pagpapabakuna ni Ho, ang miyembro ng Sangguniang Panglungsod at mga tauhan sa ospital.

Nabatid pa kay Ho, ang iba pang malalabi na bakuna ay gagamitin naman sa lahat ng miyembro ng Medical Society (Frontliners) ng lungsod.

Matatandaang isinagawa ang unang pagbabakuna sa lahat ng medical health workers ng Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa San Pablo City noong nakaraang Linggo na pinangunahan naman ni OIC Director Dr. Edgar Palacol. DICK GARAY

2 thoughts on “LGU, OSPITAL SA SAN PABLO KATUWANG SA PAGBABAKUNA”

Comments are closed.