LGUs BIBIGYAN NG KAPASIDAD SA E-GOV SYSTEM

UPANG umarangkada na ang digitalization sa mga local government unit, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-tap na ang mga ito para sa e-Gov system.

Direktang ini-address ni Marcos ang direktiba kay Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy sa sectoral meeting sa Malacañang sa mga nakabinbing proyekto at cybersecurity concerns ng DICT.

“Let’s capacitate our LGUs so they can adapt to the system,” bilin ni Marcos kay Uy.

Ipinaliwanag ni Uy sa Pangulo na sa pamamagitan ng sistema, talagang makakatipid ng malaking pera ang mga lokal na pamahalaan at magpapalakas ng kita.

“So medyo gagaan ‘yung ano natin downloading. Makakatipid ho sila dito. At ang kanilang income generation capacity ay tataas nang husto dahil magkakaroon ng efficiencies sa collection,” ani Uy.

Nais din ng Pangulo na i-update hinggil sa kanyang direktiba.

“So again it all boils down to that. That’s really the essence of digitalization. Let’s be sure that we are able to upgrade this system. Set it up to get them (LGUs) ready, so they know how to operate it,” anang Pangulo.

Inanunsyo ng DICT noong Disyembre noong nakaraang taon ang e-Gov system, na kinabibilangan ng e-Gov Super App, isang platform na naglalayong tiyakin ang digitalization ng mga sistema ng gobyerno sa Pilipinas, kabilang ang mga LGU.

Bahagi rin ng e-Government Priority Projects ng pamahalaan ang centralizing government cloud services; e-Report, for citizens’ feedback and complaints; at e-Gov App.

Ilulunsad ang e-Gov Super App sa unang bahagi ng susunod na buwan.
EVELYN QUIROZ