PINAHIHINAY-HINAY muna ng Department of Agriculture (DA) ang mga local government unit (LGUs) sa bansa kaugnay sa pagdedeklara ng mga ito ng pansamantalang pagpasok ng mga baboy at frozen hog meat sa kanilang mga probinsiya.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kinakailangan munang magkaroon ng proper coordination ang LGUs sa regional offices ng ahensya.
Ito aniya ay upang maiwasan na maapektuhan ang kalakaran sa pagitan ng mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Dar na magandang hakbang umano ang inisyatibo ng LGUs, lalo na ng mga provincial government ang pagpapatupad ng temporary ban sa pagpasok ng mga baboy at frozen hog meat subalit mas maganda umanong magkaroon ng maigting na koordinasyon sa mga DA regional offices.
Layunin nito na magkakasama umanong haharapin ng bawat isa ang kasalukuyang isyu sa alagang baboy ngayon sa bansa.
Nauna rito, sinabi ng DA chief na mayroong sapat na suplay ng karne ng baboy sa bansa sa tulong ng mga commercial hog raiser kung kayat walang dapat na ipag-alala ang publiko lalo pa’t gumagawa naman sila ng paraan upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng ilang baboy sa bansa, partikular na sa Rodriguez, Rizal. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.