LGUs PA RIN SA CLASS SUSPENSION

DAPAT na manatili sa local government units ang pagpapasya kaugnay sa pagsususpinde ng klase sa kanilang mga nasasakupan tuwing mayroong kalamidad sa bansa.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones sa ginanap na press briefing sa Malakanyang nang hingan ng reaksiyon sa mungkahing ibalik na sa DepEd ang kapangyarihan sa pagsusupende ng klase sa mga pampublikong paaralan sa panahon ng kalamidad.

Ayon ay Briones, mas magiging epektibo ang proseso kung nasa poder ng local government units sa dahilang sila ang higit na nakaaalam sa sitwasyon sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.

Sinabi ni Briones na mahigit pitong libong isla mayroon sa bansa at magkakaiba ang lagay ng panahon na maaaring binabaha na ang isang lugar habang sa ibang lugar naman ay matindi ang sikat ng araw.

Magugunita na dating hawak ng DepEd ang kapangyarihang magsuspende ng klase subalit ibinigay na ito ng pamahalaan sa mga LGU kalakip ng mga nailatag na panuntunan kung saan iba-batay sa storm signal number ang pasok sa bawat level ng klase.      EVELYN QUIROZ

Comments are closed.