(LGUs sa publiko) ‘WAG NA MAMILI NG BAKUNA

BUO ang suporta Pamahalaang Panlunsod ng Pasay sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag ng pumili ng ituturok na bakuna sa kanila upang agad na makamit ang minimithing herd immunity ng bansa.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa Department of Interior and Local Government (DILG) na atasan ang lahat ng local government units (LGUs) na huwag nang ihayag ang uri ng bakuna na gagamitin para sa pagturok ng vaccine sa kanilang mga vaccination sites.

Aniya, ang pagiging ‘choosy’ ng publiko sa brand ng bakuna na gusto nilang iturok sa kanila ang nagiging dahilan ng pagkaantala ng vaccination roll out ng bawat of LGU at kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mahihirapan ang bansa na makamit ang pinupuntiryang herd immunity ng gobyerno.

Nanawagan naman ng suporta ang alkalde sa mga residente ng lungsod na maluwag na tanggapin na lamang ang kahit ano pang brand ng bakuna na maibibigay sa kanila dahil ang lahat ng mga ito ay ligtas at inaprubahan ng mga eksperto sa kalusugan.

Malalaman din naman ng isang indibidwal ang ituturok na bakuna sa kanya pagdating na mismo sa vaccination sites o ‘on the spot’ base na rin sa inilabas na direktiba ng DILG.

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ang pag-abiso sa tatanggaping bakuna ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ‘on the spot’ ay dadaan pa rin sa pagpupulong ng mga metro mayors.

“Ang pinakamagandang vaccine ay kung ano ang available na bakuna para sayo at kung maghihintay pa tayo at magiging choosy sa brand ng vaccine ay inilalagay lamang natin ang ating mga sarili sa peligro na mahawahan ng coronavirus disease (COVID-19) kabilang ang ating mga pamilya,’ ayon sa mayora. MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “(LGUs sa publiko) ‘WAG NA MAMILI NG BAKUNA”

  1. 823189 994917This sort of wanting to come to a difference in her or his lifestyle, initial usually Los angeles Excess weight weightloss scheme is a large running in as it reached that strive. weight loss 995806

Comments are closed.