LGUs SUPORTADO ANG ‘ANTI-TAMBAY’ CAMPAIGN NG GOBYERNO

QUEZON CITY – SUPORTADO ng local government units (LGUs) lalo na sa mga barangay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na higpitan ang mga tambay sa barangay, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año na ang LGUs ay mayroong mga ordinansa na umiiral na layuning tutukan ang isyu ng mga tambay at kailangan lamang ng istriktong pagpapatupad at matibay na kapasyahan para magtagumpay.

Aniya, mayroon nang umiiral na local ordinances laban sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, paglabas ng bahay na walang damit pang-itaas, curfew sa mga kabataan at iba pa.

Sinabi ni DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan E. Malaya na ang paghihigpit sa mga tambay ay isang paraan na ginagawa ng lokal na pamahalaan para pangalagaan ang pangkalahatang kapakanan ng publiko.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.