LIAM PAYNE DIES @31

Milyun-milyong fans ang nagluluksa sa pagkamatay ni One Direction member Liam Payne.

Opo, patay na si Liam Payne, dating myembro ng pop boyband One Direction, sa edad na 31.

Ayon sa pulisya, bumagsak siya mula sa third-floor ng Casa Sur Palermo Hotel mismo sa kanyang silid, sa Buenos Aires, Argentina, noong October 16, 2024.

Ayon kay Alberto Crescenti, head ng SAME emergency medical service ng siyudad, nagtamo si Liam ng “very serious injuries incompatible with life due to the fall.” Dagdag pa niya, “no possibility of resuscitation.”

Dinala pa rin si Liam sa Casa Sur hospital ngunit hindi na siya naisalba.

Sumikat si Liam sa buong mundo bilang member ng One Direction, kasama nina Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson, at Zayn Malik.

Nabuo ang English-Irish boy band, noong 2010 sa The X Factor, naging isa sa pinakasikat na grupo sa kanyang panahon, bago nagpasiyang magpahinga indefinitely noong 2016.

Noong 2017, nag-solo si Liam via hit single “Strip That Down.”

RLVN